Ano nga ba?
- Dahil ba sa wala na kayo?
- Dahil ba sa pagmamahal mo sa kanya ngunit kailangan mo siyang pakawalan?
- O dahil lang nasasayangan ka sa pinagsamahan niyo at sa mga nabuong ala ala niyo?
Alin man jan sa mga nabanggit ang rason mo, tama na, wag ka ng umiyak. Nagsasayang ka lang ng luha sa maling tao. Matanong ko nga, pakakawalan mo ba yan kung sa palagay mo eh siya na talaga? Hindi naman diba?
- Unang rason pa lang oh, WALA NA KAYO. OO closure na yan, tama na yan, wala na nga kayo eh tapos iiyak iyak ka pa jan? Aba neng, tama na, sayang na nga luha mo, sayang pa pera mo sa pinambili mo ng tissue na ginamit mo na pamunas, hindi naman kayo maghihiwalay eh kung kayo talaga ang nakatakda eh. Kung kayo, kayo talaga. Tama na yan. Ngumiti ka na. Lumabas ka na ng bahay niyo at magpakasaya kasi there's more to life. Nagdaan lang siya sa buhay mo, humarang lang siya para hindi mo talaga makita yung nakatakda sayo, pero ngayon, o ayan malaya ka na, makikita mo na talaga yung nakalaan sayo.
- Pangalawang rason, MAHAL MO SIYA PERO PINAKAWALAN MO KASI NGA KAILANGAN TALAGA. Alam mo yung mga bagay na ganyan, di yan pinagsisisihan o iniiyakan, sa katunayan, kailangan maging proud ka sa sarili mo kasi kahit masakit, nagawa mo yan. Kahit alam mo na di mo kaya, nagawa mo pa din dahil nga kailangan mo eh, ano ba kasing choice mo kaya mo ginawa yan? Wala naman diba? Hindi mo naman gagawin yan kung alam mo'ng may rason para ipaglaban ang kung anong meron kayo eh. Pero hindi ko naman sinasabi na duwag ka kasi di mo pinaglaban yun, ang point ko, pinaglaban mo, may napala ka ba? pinaglaban mo, worth it naman ba? pinaglaban mo, pero madami pa ding tutol sa inyo. Wala din lang kwenta kung ganyan. kaya kung ako sayo, tama na. Tama lang ang desisyon na ginawa mo. Ipagdasal mo na lang yan sa Diyos dahil maniwala ka, may mas maganda siyang plano para sayo.
- Pangatlong rason. NASAYANGAN KA. Normal lang yan na masayangan ka kasi nga kahit gaano pa kaikli yung pinagsamahan niyo may mga nabuo naman na masasayang memories jan kaya di mo talaga maiiwasang masayangan, pero matanong ko lang sayo, ano ang silbi ng mahaba mo'ng buhay? OO anong silbi niyan kung habang buhay ka jan na magmamaktol dahil sa panghihinayang mo? Oh c'mon! mas madami ka pang mabubuo jan na memories. Yan mga yan? pahapyaw pa lang yan! TANDAAN MO: habang may buhay ka pa, mas madami ka'ng mabubuo na memories kasama ang mga tao na alam mo na talagang mapapasaya ka, hindi yung anjan nga pero wala naman effort para mas madami pa kayo mabuo. Tama na panghihinayang mo, sabi ko naman, pahapyaw pa lang yan. Wala pa yan sa mga mabubuo mo na memories on the way sa iyong buhay. Tama na, ngumiti ka na lang at bayaan mo ang Diyos na mamuno sa buong buhay mo.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento