Sabado, Mayo 5, 2012

Ang liham na para sa taong pinakamamahal ko.




Dear kung sino ka man,
Hindi pa kita nakikilala pero alam mo, mahal na mahal na kita kasi alam ko'ng ibibigay ka sa akin ng Diyos sa tamang panahon at sa tamang oras. Alam mo, madami nang nagdaan sa buhay ko. Oo hindi ikaw ang una sa buhay ko, pero sisiguraduhin ko naman na ikaw ang huling hahawak ng puso ko. Hindi ko alam kung anong ginagawa mo ngayon, marahil ay binabasa mo na pala ito pero hindi mo alam na ikaw pala ang sinusulatan ko. May deal nga kami ni papa God eh, sabi ko sa kanya lagyan niya ng kandado ang puso ko, at bubuksan lang niya ito kapag nakita na kita, mabuti na yung ganun para malayo ako sa sakit emotionally. Alam mo, willing akong maghintay para sayo kasi alam ko'ng magiging worth it ito dahil alam ko na hindi ako number one, kundi si papa God ang number one sa buhay mo, yun ang gusto ko sayo eh, yun ba'ng kasama mo akong nagpupuri at nagsisilbi sa kanya, at si papa God ang number one priority natin. Handa akong ibigay ang buong pagmamahal ko sayo basta ba handa ka'ng mag stay sa tabi ko hanggang sa dulo. Sayo na ang pagmamahal ko wag mo lang akong sasaktan. Hihintayin kita ha. At wag ka'ng mag alala kasi mahal na kita.

lovelots,
ang babaeng walang sawa na maghihintay at magmamahal sayo

Miyerkules, Mayo 2, 2012

Ngiti. Mabisang gamot yan.


Easy ka lang jan. Wag ka ng sumimangot sige ka, papangit ka niyan. Ngumiti ka na lang kasi alam naman nating lahat na mas madaming nagagamit na muscles pag nakasimangot, kaya imbis na pagurin mo yang sarili mo na nakasimangot lagi, aba eh tama na. Hindi lang din yan makakatulong sayo eh. Ngumiti ka na lang jan and let God do the rest.

Martes, Mayo 1, 2012

sino nga ba ako?

Malamang sa malamang nagtataka kayo kung sino ang may ari ng blog na ito. Bakit nga ba ganun na lang ang mga posts ko? Bakit nga ba tungkol na lang sa pagmo-move on ang lagi ko'ng pinopost dito? Kasi tulad niyo, nasaktan ako ng ilang beses na, beterano na ako jan kung tutuusin, pero kahit ilang beses pa ako na nasaktan, iba't ibang impact ng sakit ang naidudulot nila sa akin. At ang nararanasan ko ngayon ang pinaka malala, palibhasa siya lang ang talagang minahal ko eh, pero hindi ko naman sinasabi na hindi ko sineryoso yung iba. Iba kasi siya eh. Sa kanya lahat napunta ng "firsts" ko, maliban na lang dun sa ano ha. :P tsaka sa lahat kasi, sa kanya lang ako nag effort ng ganito eh, pero balewala pala lahat yun. Ambilis nawala ng pagmamahal niya sa akin eh, pero kahit ganun pa din thankful pa din ako kasi naging parte pa din siya ng buhay ko eh. Wala akong pinagsisisihan sa katunayan, kasi alam ko na lilipas din toh. Mawawala din toh. Ay oo nga pala, tsaka na lang ako magpapakilala at magpopost ng picture ko. Sa ngayon, makuntento muna kayo sa ganito ha. :) TANDAAN: wag na wag akong huhusgahan dahil hindi niyo naman kilala kung sino talaga ako.

Tapos ka na ba talaga? O bitter ka pa rin?

Alam mo, normal lang naman na maging bitter ka sa mga past mo, kaso wag mo naman isagad sagad ano. Bukod sa di na healthy yan, di pa makabubuti yan sa tingin niya sayo. Tingin mo, magsisisi yan dahil iniwan mo pag ganyan na nagpapaka bitter ka jan? Hindi. Lalo lang yan maeencourage na matuwa sa pagmo-move on niya kasi nakita niya yung ugali mo na pangit. Yun ba'ng umaabot ka pala sa point na ganyan. Tama na, wag ka ng maging insecure. Bayaan mo na siya. Kantahan mo na lang siya nung kanta na "you lost me" by Christina Aguillera. O diba? ang taray na nga kanta mo, di ka pa bitter. Kaya mo yan. Kung nagiging bitter ka naman dahil kaya ka pala niya ipagpalit agad, normal lang yan, pero wag mo naman sagarin pagka bitter mo na pati dun sa pinagpalit niya sayo eh magiging bitter ka na din dun. Wag naman. Easy ka lang. Tama na yung sa kanya ka lang maging bitter kasi pag pati dun sa pinagpalit niya aba eh, world war III na yan sa pagitan niyong dalawa. Imbis na maganda na ang relasyon niyo ni past mo as friends, pero ayun nga naging bitter ka sa pinagpalit niya, bang! away na yan sa pagitan niyo. Tama na pagpapakabitter mo. Hanggang dito nalalasahan ko yung mapait na ere eh. Lumabas ka na lang ng bahay niyo at makipaghalubiro sa mga tao. Kaya mo yan. Lilipas din yan.

Gusto mo mapadali pagmo-move on mo?

Simple lang naman yan eh, isipin mo lahat lahat ng mga bagay na ayaw mo na ginagawa niya sayo, o ayan, naiinis ka na ba? Ayan, sige hayaan mo lang na magalit ka sa kanya mas mapapabilis na mawala pagmamahal mo sa kanya, pero di ko naman sinasabi na galit dapat ang maghari jan sa puso mo, basta bayaan mo lang muna na ganyan kasi lilipas din yan. Tignan mo, matapos lahat yan, okay ka nanaman. TANDAAN: wag maging bitter, di maganda yan. And as much as possible, wag ka magtatanim ng galit sa kanya.

Ano nga ba'ng dahilan ng pag iyak mo?

Ano nga ba?

  • Dahil ba sa wala na kayo? 
  • Dahil ba sa pagmamahal mo sa kanya ngunit kailangan mo siyang pakawalan? 
  • O dahil lang nasasayangan ka sa pinagsamahan niyo at sa mga nabuong ala ala niyo? 
Alin man jan sa mga nabanggit ang rason mo, tama na, wag ka ng umiyak. Nagsasayang ka lang ng luha sa maling tao. Matanong ko nga, pakakawalan mo ba yan kung sa palagay mo eh siya na talaga? Hindi naman diba?


  • Unang rason pa lang oh, WALA NA KAYO. OO closure na yan, tama na yan, wala na nga kayo eh tapos iiyak iyak ka pa jan? Aba neng, tama na, sayang na nga luha mo, sayang pa pera mo sa pinambili mo ng tissue na ginamit mo na pamunas, hindi naman kayo maghihiwalay eh kung kayo talaga ang nakatakda eh. Kung kayo, kayo talaga. Tama na yan. Ngumiti ka na. Lumabas ka na ng bahay niyo at magpakasaya kasi there's more to life. Nagdaan lang siya sa buhay mo, humarang lang siya para hindi mo talaga makita yung nakatakda sayo, pero ngayon, o ayan malaya ka na, makikita mo na talaga yung nakalaan sayo.



  • Pangalawang rason, MAHAL MO SIYA PERO PINAKAWALAN MO KASI NGA KAILANGAN TALAGA. Alam mo yung mga bagay na ganyan, di yan pinagsisisihan o iniiyakan, sa katunayan, kailangan maging proud ka sa sarili mo kasi kahit masakit, nagawa mo yan. Kahit alam mo na di mo kaya, nagawa mo pa din dahil nga kailangan mo eh, ano ba kasing choice mo kaya mo ginawa yan? Wala naman diba? Hindi mo naman gagawin yan kung alam mo'ng may rason para ipaglaban ang kung anong meron kayo eh. Pero hindi ko naman sinasabi na duwag ka kasi di mo pinaglaban yun, ang point ko, pinaglaban mo, may napala ka ba? pinaglaban mo, worth it naman ba? pinaglaban mo, pero madami pa ding tutol sa inyo. Wala din lang kwenta kung ganyan. kaya kung ako sayo, tama na. Tama lang ang desisyon na ginawa mo. Ipagdasal mo na lang yan sa Diyos dahil maniwala ka, may mas maganda siyang plano para sayo.

  • Pangatlong rason. NASAYANGAN KA. Normal lang yan na masayangan ka kasi nga kahit gaano pa kaikli yung pinagsamahan niyo may mga nabuo naman na masasayang memories jan kaya di mo talaga maiiwasang masayangan, pero matanong ko lang sayo, ano ang silbi ng mahaba mo'ng buhay? OO anong silbi niyan kung habang buhay ka jan na magmamaktol dahil sa panghihinayang mo? Oh c'mon! mas madami ka pang mabubuo jan na memories. Yan mga yan? pahapyaw pa lang yan! TANDAAN MO: habang may buhay ka pa, mas madami ka'ng mabubuo na memories kasama ang mga tao na alam mo na talagang mapapasaya ka, hindi yung anjan nga pero wala naman effort para mas madami pa kayo mabuo. Tama na panghihinayang mo, sabi ko naman, pahapyaw pa lang yan. Wala pa yan sa mga mabubuo mo na memories on the way sa iyong buhay. Tama na, ngumiti ka na lang at bayaan mo ang Diyos na mamuno sa buong buhay mo.

easy ka lang. alam ko yan.

Tao ka lang, nasasaktan ka lang naman eh. OO mahirap mag move on, pero sa lagay ko ngayon, hindi ako makapaghintay na mawala na ng tuluyan ang nararamdaman ko sa kanya dahil alam ko na madaming pang iba jan. Alam ko na pag nawala to'ng nararamdaman ko sa kanya ngayon eh tatawanan ko na lang toh dahil di ko inakala na kaya ko pa lang gawin ang mga bagay na yun, yun ba'ng ikaw mismo eh nahihiya sa sarili mo dahil di mo inakalang kaya mo pa lang gawin lahat, pero para saan? sa pag-ibig? easy ka lang. Magtira ka naman ng kahit konti sa sarili mo. Dahil pag yan nawala, ano pa'ng matitira sa sarili mo? Aba eh, parang awa mo na, pag ibig lang yan. TANDAAN MO: wala nang mas gaganda, at mas sasaya sa pag ibig ng Diyos sayo, kaya kung ako sayo, bayaan mo na lang siya na magtrabaho ng lovestory mo dahil maniwala ka't sa hindi, ang ibibigay ng Diyos sayo ay worth it sa paghihintay na ginawa mo.

wag nang mag stalk. masasaktan ka lang.

OO wag ka nang mag stalk pa. Mas lalong hindi makakatulong yan sa pagmo-move on mo. Alam mo kung anong magandang gawin? Wag mo ng bubuksan ang account o profile niya sa kahit anong social networking sites maliban na lang sa youtube na alam mo naman na wala ka din lang makikita dun kundi ang never ending videos lang niya ng kung ano ano. Wag mo din bubuksan yung page ng taong alam mo na pinagseselosan mo simula pa lang kasi lalo ka lang masasaktan. At lalong wag na wag mong pababayaan ang sarili mo na mag isa kasi mas lalo mo lang maalala mga memories niyo na lalo lang ikasasakit ng damdamin mo. Tama na yung minsan na pag iyak mo sa kanya, pagkatapos nun, tama na, nailabas mo na lahat dun. Parang awa mo na, wag mo na pahirapan pa sarili mo. Tama na pagmamaktol mo jan sa tabi, maging masaya ka na lang at kahit papaano naging parte siya ng buhay mo. Wag ka'ng magpaka bitter jan dahil lalo mo lang ikasasama yan. Maging masaya ka na lang sa mga nangyari at maging thankful ka na din kasi kung di naman dahil dun sa naging past niyo na dalawa, di mo malalaman yung mga ayaw at gusto mo sa isang relasyon eh. Siya tama na yang mga pagsisisi at pagmumukmok mo jan. Maging masaya ka na lang dahil kaya mo naman eh kaso mas pinipili mo lang maging malungkot at magsisi. Ano ka? Allergic sa happiness?